BARCELONA: a love untold
11:30 PM
Barcelona: a love
untold
First of all… Congratulations to the Team Barcelona,
especially to Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Carmi Raymundo and Direk Olivia
Lamasan! Barcelona is a masterpiece! Thank you so much!
This is not a review
(I think…) kasi hindi ko alam paano ba yung tama sa pag-review ng isang movie
HAHAHAHA I am so sorry. More on, reactions siguro to. ;)
Start muna tayo sa trailer. Sa trailer pa lang, sobrang ang
intense na. Ang dami agad tanong na maiisip mo? Isa na doon ay “Sino si Celine?”. Nakaka-excite na
malaman mo ang sagot. Yung batuhan ng mga linya nila Kathryn at Daniel. Tumatak
agad sa mga tao ang mga linyang, “Stop
acting like you know my pain! Stop acting like you own it! Dahil hindi ikaw si
Celine. And you will never be Celine!” “Wag mo akong mahalin, dahil mahal kita.
Mahalin mo ako, dahil mahal mo ako. Because that is what I deserve.” Sobrang
tagos sa puso. Tapos yung emotions pa nila. Talagang kaabang-abang ang storya.
So ayun nga, the day has come! September 14, 2016 showing na
ang ‘Barcelona: a love untold’ in cinemas worldwide! Syempre hindi ko iyon
pinalampas. First day pa lang, nanuod na kami ng bestfriend ko. Sobrang kabado
at excited ako bago ako pumasok sa cinema.
Gusto kong ilabas yung feelings ko sa bawat scenes pero
syempre ayaw ko maging spoiler. Basta, Kathryn and Daniel did very well.
Napatunayan nila na they are an actors. Not just an actors, but a true actors.
They really grow up not just an actor but also an individual. At a young age,
ang layo na nang narating na. Malayo na at alam kong mas malayo pa ang
mararating nila. Sa movie na ito, ang dami nilang napatunayan. Yung mga first
time nilang ginawa, sobrang galing nila. Sa mga ganoong eksena, sobrang
pinaghandaan. Yun ang masasabi ko. I am very proud of them. Thanks to Direk
Olive to guide them. Yung story hindi siya typical love story. Pang pamilya
siya, actually. Nakita ko doon na they level up. Slow clap for Team Barcelona.
Yung story about sa forgiveness, love and acceptance.
Tungkol din sa family at sa sarili mo. Ang dami mong marerealize habang
pinapanuod itong Barcelona. Marerealize mo kung gaano kahirap sa dayuhang
bansa, kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nila, kung gaano nila lunukin ang
pride nila para mabuhay ang pamilya nila sa Pilipinas. Kung ano nga ba ang
nararamdaman ng mga naiwan na anak dito sa Pilipinas. Kung paano sila nangulila
sa magulang nila. Minsan akala nila kapag nabibigay nila sa mga anak nila ang
gusto nila, okay na. Hindi nila alam na mas gusto ng mga anak nila na makasama
sila habang lumalaki sila. Nakita rin yung sakripisyo ng mga magulang o
nagtratrabaho sa ibang bansa. Kahit degree holder ka, sa baba ka magsisimula.
Pantay-pantay ang mga tao doon. Hindi pwede ang mahina doon. Matatalo ka sa
laban. Nakita din doon yung forgiveness. Forgiveness sa ibang tao at lalong
lalo na sa sarili mo. Akala mo hindi mo kaya, pero dadating ang panahon na
sasabihin mo na “kaya ko pala”. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Wag
mong hayaang matapos ang takbo ng buhay mo dahil sa nakaraan. Learn to let go
and to forgive. Doon ka magiging masaya. Oo, hindi madali pero kaya mo. This
movie is about your family and yourself. Pahalagahan mo ang sarili mo. Hindi mo
kayang magmahal ng ibang tao kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo. Yan
ang natutunan ko kay Ely at Mia.
This movie is so memorable for me. Kasi they celebrate their
5th year anniversary as a love team. As a fan, ito yung parang price
mo or gift sayo ng KathNiel. Iba yung
emotion na nailabas ko dito sa movie na ito. Yung maiiyak ka na lang
bigla sa mga eksena at sa batuhan ng linya. Sobrang nakakadala yung acting
nila. Nakikita sa mata ang bawat emosyon ng KathNiel. I am very proud. Basta
iniyak ko lahat ng feelings ko sa movie na ito. Habang tinatype ko ito, may mga
time na natutulala ako. I’m dead serious. Ang laki ng impact sa akin ng movie
na ito. It’s a milestone for KathNiel and KathNiels. This movie is a living
proof of their titles as “King and Queen
of Hearts”. Hindi ako magsasawang sabihin na I am very proud of our Kathryn
and Daniel. I am very proud na I am part of this fandom. I am very proud na
KathNiel ang napili para sa biggest movie of the year. I am very proud na si
Direk Olivia Lamasan ang naghandle sa KathNiel. This is another box-office
success! Walang halong biro. Malayo ang mararating nila. Or let’s say, malayo na ang narating nila.
KathNiel, ito lang ang masasabi ko sa inyo… Panagutan niyo
ang feelings ko!
P.S. after 5 years
masasabi mo na yung “the long wait is over!” Inexpect ko na baka nga may
kissing scene na. Pero grabe! Gulatan?! Lalo na yung last frame, I literally
cried while screaming my heart out. Tears of joy ika nga. Sexy but decent.
Kitang- kita at damang-dama mo ang love. It’s very special. ;) Daniel… Please,
make Kathryn Bernardo a Ford as soon as possible. Pakasal na kayo please! :*
FAN ART BY YOURS
TRULY ;)


0 comments